top of page
  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram
  • Writer's pictureParcinq Magazine

JL on His Pre-debut Days and How He Wants BGYO to be Recognized by the People



If I were to mistake someone as a friend on the set, it would be JL. One way to describe him would be Down-To-Earth. He is soft-spoken but with humor. Humbled by his simple pre-debut life, he talked about how long the journey has been but still misses the pinch of freedom he used to have. As the seemingly happy-go-lucky member of the group, he hopes that he exudes the same energy through the music they produce. Stronger than ever, brought by the challenges to be one of the sought-after boy groups in the Philippines, JL has nothing but endless aspirations for the group.


Here’s our sit-down interview with JL recalling his seemingly long journey from the province to the world stage that he aims with his so-called brothers in the industry.


Can you tell us briefly how BGYO became a boy group?

BGYO is nagsimula muna po kami bilang trainees po nuong 2019, di po kami halos sabay-sabay. Si Gelo po yung nakasabay ko sa audition (in 2018). Mas nauna po sa amin is si Nate and Akira and pinaka last is si Mikki. Nung una, marami pa po kami, mga seven pa kami. Hanggang sa meron kaming mga evaluation na every month kailangan naming maghanda ng isang performance as a group and solo. Tapos dun malalaman kung pasok ka ba sa next month or hindi. Hanggang sa naging 5 nalang kami.

How did the pandemic affect your journey?

Actually ang dami pong plano na na-cancel. Like yung music video, nag-iba ng concept dahil sa pandemic naging limited yung lugar kung saan pwedeng mag- shoot. Like indoor lang po palagi. And then, sumama na rin po dun yung network shutdown. Mas lalong humirap kasi ang daming naapektuhan gaya nung sa staff and yung ABS, pati po kami. Nung time na yon, di po namin alam kung matutuloy ba kami. Pero nung time po na yon mas lalo kaming ginanahan mag-training. Kasi gusto naming patunayan na kaya namin kahit ganon yung nangyayari. So nagpatuloy lang kami sa training kahit na minsan na-ddrain kami, nagme mental breakdown. Iniisip lang po namin na magiging okay din lahat hanggang sa nag-debut na kami as BGYO. Tapos hindi po namin inexpect na ganito kami tatanggapin ng mga tao. Sobrang init ng pagtanggap ng mga tao nung pag-debut po namin.


Are there any memorable experiences you wish to share during your pre-debut days?

Training. Halos hindi kami nakauwi ng 9 months. Nahohomesick po pero nasanay and nag-enjoy na rin ako. Kasi after naman neto, makikita ko rin yung family ko so susulitin ko na ‘tong time na to para mag-improve pa po kami para i- work pa po yung kulang namin as a group.

Tell us the best things you’ve learned from your mentors.

Sa Filipino coaches, hindi ko talaga makakalimutan is yung discipline and yung mga techniques. Kasi diba po nagkaroon po kami ng mga Filipino coaches and Korean [coaches]. Bale, magkaiba po sila ng techniques na tinuturo. Pero ang maganda po dun is pwede mo silang i-apply parehas, like pwede mo siyang i-combine yung technique ng Korean and technique ng Filipino na coaches, pwede mo silang pagsamahin. Bale yung sa Korean kasi is yung gusto nila, diba dito po sa Pilipinas gusto nila more on soft, vibrato, sa kanila ayaw po nila ng vibrato.


Ako po bilang balladeer, dahil sa Korean, na-lessen na po yung gamit ko ng vibrato. Nagagamit ko pa rin po siya pero hindi na siya katulad ng dati. Siguro yon, napagsama ko na gawin yung technique ng mga Korean tsaka Filipino. Sa dance naman po, sa Korean ayaw po nila yung strong na approach. Mas gusto po nila is more on sharp movements lang po, more on lines. Dito po, pag sumasayaw parang galit po palagi tas full energy. Pinag-combine din po namin yun paano i- balance yung energy and pagiging sharp kaya siguro maganda yung kinakalabasan nung nagkaroon kami ng Korean training.


What lecture in SHA (Star Hunt Academy) training are you most excited about?

Parehas na dance and vocal training. Excited po ako palagi kasi every month meron kaming mga bagong prod na inaaral. Yun yung nilolook forward ko, panibagong style po ng genre. Hindi po kasi kami nags-stay sa iisang genre. Talaga pong nag-eexplore yung mga coaches, pati po kami. Iba’t-ibang style po talaga.


What is it like to be in a boy group and how fast did you manage to adapt and get along with your new family?

Nung una medyo mahirap po talaga, syempre po pag grupo talaga hindi mo basta-basta mabubuo yung chemistry niyo sa isa’t-isa agad-agad. Kasi madami po talagang pagkakaiba. Nung una nag-aadjust pa kami. Kinikilala pa talaga namin yung isa’t-isa, kung ano yung ayaw at gusto po namin. Pero ngayon, talagang komportable na kami.


Is it true na, "Ikaw raw yung pinaka makulit sa grupo"?

Hindi po, tahimik lang (laughs). Ako po kasi yung tipo na nagpapatawa. Kahit before, sa school, ako yung madaldal na hindi po tumitigil, as in nababadtrip na yung mga teacher sa akin. As an individual, mabilis po akong makisama. Kahit saan ako mapunta kaya ko pong makisama kahit kanino. Siguro yun po yung advantage ko pero nahihirapan pa rin po ako syempre pag nagakakaroon ng contrast. Pero hanggang sa ngayon, nasanay na kami. Kaya na naming sabihin sa isa’t-isa yung ayaw namin. Close po kaming lahat. Lahat po kaya kong sabihin [sa kanila], like sa dance kaya ko po [silang] i-correct.


What do you want to improve upon as an artist?

Syempre bilang vocalist, gusto ko pang mas maimprove yung vocal skills ko. Gusto ko pa pong tumaas yung boses ko. Gusto ko pa pong maimprove yung ability ng voice ko. And sa dance, gusto ko pang mas mag-improve pa. Minsan kasi may mga dance style na nahihirapan po ako. Gusto ko pong maimprove pa yun. Kung paano mag-pick up ng mga choreo.

After training under SHA (Star Hunt Academy), what were some things you’ve learned about yourself?

Kasi dati po parang di po ako nagkakaroon ng problem. Like before happy-happy lang ako, like gusto ko enjoy lang palagi. Pero ngayon, dito kasi syempre ang dami kong pinagdadaanan, so nagkakaroon ka ng problema. Ngayon, natutunan ko po na kaya ko palang labanan yun, kahit na wala po yung family ko, kaya ko na palang labanan yun mag-isa. Pero minsan humihingi pa rin po ako ng tulong sa family ko and syempre sa kanila [referring to BGYO].

What are the things you were capable of doing before but can't do now, after you've become a P-pop artist?

Syempre yung una, limited na yung galaw mo. Hindi ka basta-basta makakalabas sa mall, like hindi ka pwedeng lantaran na pupunta (smiles). Pero ngayon din sa pandemic po hindi rin po kami nakakapunta sa malls. Siguro yung isa pa, kasi mahilig po akong mag-commute, so feeling ko hindi ko na siya magagawa. Gusto ko pa rin po magawa siya [commute], kasi po minsan pag may sarili kang sasakyan, nata-traffic. So ako mas gusto ko mas mabilis makapunta. Syempre mag-MRT ako kung gusto ko agad makapunta kahit nakatayo siksikan. Nakakamiss siya actually kasi yun yung nakasanayan ko talaga.

How do you want BGYO to be recognized for?

Gusto ko makilala yung group namin bilang nakakainspire ng maraming tao sa pamamagitan ng kanta namin and nakakapagpasaya kami. Alam mo yung sa mga ginagawa namin meron kaming nakikitang tao na napapasaya, halimbawa may problema, nagkakaroon ng depression or anxiety, parang naheheal namin, nau-uplift namin sila. Yun yung gusto kong goal na pag nakilala kami, yun yung tatatak sa mga tao. BGYO, sila yung grupong kayang buuin yung araw mo or kayang kang pasayahin or kayang pagaanin yung loob mo.

On JL: Suit by Ryan Chris Baylen, Custom Pin by KUROBARA


If you could switch talents with one of your bandmates for 24 hours, who would you choose and why?

Si Nate, kasi siya yung sobrang gaan na tao. Para siyang papel, paghinipan mo lilipad po siya (laughs). Pag sumasayaw po siya, hindi mo mafefeel na mabigat po siya. Sobrang light niya so gusto ko pong ma-experience yun. Siya na muna magdadala ng katawan kong mabigat. Is-share ko muna sa kanya yung vocals ko. Kasi si Nate mahilig din siyang magpaturo sa akin ng mga vocal runs tapos ako naman nagpapaturo ng mga steps, so palit po kami kahit one day lang.


---

Words by Anna Fregillana (@annafregillana)

Interviewed by Anna Fregillana & Joe Andy

Produced by Philip Vargas (@plipfilms)

Photography by Rxandy Capinpin (@rxandy)

Art Direction, Final Art & Video Editing by Joe Andy (@heyjoeandy)

Fashion Videography by Pogs Francisco (@snaps_ph)

Grooming by Jaime Sy (@jaime_sy)

Hair by Mycke Arcano (@mycke.arcano)

Special Thanks to Direk Lauren Dyogi, Mq Mallari, Jovy Aberion & Star Hunt.

41 comments

41 comentários


Nico Sulit
Nico Sulit
25 de jul. de 2021

JL not just serving us vocals but serving us looks!!! GRABEEEE!!!!

Curtir

Zhanie Garcia
Zhanie Garcia
25 de jul. de 2021

Natawa aq jan jolonsa papapel mo kay bunso...

Curtir

Hannah Marie Golosino
Hannah Marie Golosino
23 de jul. de 2021

Thank you Parcinq!!!

Curtir

Hannah Marie Golosino
Hannah Marie Golosino
23 de jul. de 2021

Natawa naman ako sa parang papel si Nate pero truuu naman hehehe

Curtir

Hannah Marie Golosino
Hannah Marie Golosino
23 de jul. de 2021

Juperman ng ACEs yerrnnn!!

Curtir
bottom of page